Diretsahang inamin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na siya mismo ang nagbigay ng payo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa mga “pasaway” at problemadong opisyal sa gobyerno na dapat umano ay sibakin sa puwesto para mapanatili ang peace and order sa bansa.
“Kinailangan kong magbigay ng payo kahit labag sa kalooban ko. May mga pasaway na opisyal at kailangan silang sisibakin para mapanatili ang kapayapaan sa bansa.” -DILG Sec. Jonvic Remulla
Ayon kay Remulla, hindi raw niya ginusto na makarating sa puntong kailangan niyang pangalanan ang mga matataas na opisyal, ngunit tungkulin niya raw bilang kalihim ng DILG na siguruhing ang bawat nasa gobyerno ay karapat-dapat at may malasakit sa bayan.
Ibinahagi ni Remulla na marami sa kanyang rekomendasyon ay hindi madaling desisyon. May mga opisyal na matagal na sa serbisyo, may malakas na koneksyon, at may impluwensiyang pulitikal. Ngunit habang lumalala ang mga kontrobersiya at kaguluhan sa hanay ng gobyerno, iginiit niyang kailangang maglinis bago maging mas malala ang sitwasyon.
Aniya, obligasyon niyang magsabi ng katotohanan kahit hindi ito komportable, dahil ang kapayapaan at kaayusan ay naka-depende sa disiplina ng mga nasa gobyerno. Aniya, obligasyon niyang magsabi ng katotohanan kahit hindi ito komportable, dahil ang kapayapaan at kaayusan ay naka-depende sa disiplina ng mga nasa gobyerno.
Sa pahayag ni Secretary Jonvic Remulla, malinaw na ang DILG ay handang harapin ang mga pagsubok sa loob mismo ng gobyerno. Ang kanyang pag-amin na siya ang tumutulak sa paglilinis ng hanay ng opisyal ay nagpapakita ng isang administrasyong nangungulelat sa tiwala ng publiko ngunit desperadong bumawi.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento