Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG GAWING BASEHAN ANG –3% TRUST RATING, MAS MARAMI AKONG NAGAWA SA LOOB NG 3 TAON” PANGULONG MARCOS NANGAKONG BABAWI SA SUSUNOD NGA TAON

Sabado, Disyembre 27, 2025

 



Diretsahang sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kontrobersiyang dulot ng kanyang mababang –3% trust rating sa pinakabagong SWS survey. Sa halip na panghinaan ng loob, mariing iginiit ng Pangulo na hindi survey ang magiging batayan ng pagpapahalaga o pagsukat sa kanyang pamumuno.


“Huwag nating gawing basehan ang –3% trust rating. Alam ng taumbayan ang totoo sa loob ng tatlong taon, mas marami pa akong nagawa kumpara sa mga nakaraang Presidente.”

- Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ayon sa Pangulo, mas dapat tingnan ng taumbayan ang totoong resulta ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taon, at hindi ang isang numero mula sa periodic trust rating na madalas naaapektuhan ng maingay na politika at misinformation.


Giit niya, ang mga proyektong ito hindi ang trust rating ang tunay na basehan ng performance ng gobyerno.


Dagdag pa ng Pangulo, naniniwala siyang hindi mababalewala sa dulo ang kanyang mga nagawa. Para sa kanya, malinaw sa publiko ang direksyon ng kanyang pamumuno, at ang mga natatanong sa survey ay maaaring naapektuhan ng sigalot sa politika, maling impormasyon, at patuloy na pag-atake sa kanyang administrasyon.


Sa harap ng tumitinding hamon sa trust rating, pinili ni Pangulong Marcos na tumayo nang diretso at ipaalala sa bansa na trabaho, hindi survey, ang tunay na batayan ng pamumuno.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento