Nanatiling kampante ang Malacañang sa kabila ng pagbaba ng trust rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa SWS, bumagsak ang public trust sa Pangulo sa –3%, habang si Vice President Sara Duterte naman ay tumaas sa +31%, isang napakalaking agwat na agad ikinagulat ng publiko.
“Dedma kami sa mababang trust rating. Patuloy ang serbisyo sa taumbayan ’yan ang presidente natin.” -Atty. Claire Castro
Ngunit para sa Palasyo, walang dahilan para mataranta. Sa halip, mas mahalagang tutukan ang trabaho kaysa numero. Ito ang buod ng mensaheng ipinahayag
Ayon kay Atty. Castro, hindi umano concern ng Palasyo ang pagbaba ng rating dahil ang prioridad ng administrasyon ay patuloy na pagseserbisyo sa taumbayan. Para sa kanya, hindi survey ang magpapasya kung gaano kahusay o kabagal ang galaw ng Pangulo kundi ang tunay na resulta sa lupa, proyekto, at polisiya.
Giit ni Atty. Castro, hindi survey ang batayan ng dedikasyon ng liderato kundi ang araw-araw na trabaho para sa bansa.
Sa kabila ng pagguho ng trust rating ng Pangulo, naninindigan ang Malacañang na hindi ito hadlang para magpatuloy ang trabaho. Ang Palasyo ay nananatiling nakatutok sa serbisyo, hindi sa survey isang mensaheng malinaw na gustong iparating ng administrasyon sa gitna ng tumitinding kritisismo ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento