Advertisement

Responsive Advertisement

"BIRUIN NIYO IN JUST 3 MONTHS, NALUTAS NIYA AGAD ANG PROBLEMA SA FLOOD CONTROL PROBLEM" DPWH SEC. VINCE DIZON HINDI MAIPALIWANAG ANG GALING NI PANGULONG MARCOS

Huwebes, Disyembre 25, 2025

 



Ngayong pasko naglabas ng malakas na papuri si DPWH Secretary Vince Dizon para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinawag niyang isa sa pinakamagaling na lider na kanyang nakatrabaho sa buong panahon niya sa gobyerno. Ayon kay Dizon, hindi raw maipaliwanag kung gaano kagaling magbigay ng direktiba at gumawa ng mabilis pero matalinong desisyon ang Pangulo.


“Sa tagal ko sa gobyerno, hindi ko maipaliwanag kung gaano kagaling magbigay ng direktiba si Pangulong Marcos. In just three months, nailatag niya ang solusyon sa flood control problem. Iba ang klase ng liderato niya.” - DPWH Secretary Vince Dizon


Ayon kay Dizon, kung ibang lider daw ang nakaupo, maaaring umabot ng taon o dekada bago ito mabigyang-linaw. Ngunit dahil sa direktang pakikialam at mabilis na aksyon ni Marcos, nagkaroon agad ng direksyon ang imbestigasyon at pag-aayos sa sistema.


Inamin ni Dizon na matagal na siyang nakapagsilbi sa iba’t ibang administrasyon, at marami na siyang nakatrabaho na opisyal. Ngunit sa kanyang karanasan, kakaiba raw ang tapang at bilis magdesisyon ni Marcos lalo na sa mga komplikadong isyu tulad ng flood control scandal.


Isa pa sa pinuri ni Dizon ang kakayahan ng Pangulo na mabilis magbigay ng desisyon na walang paligoy-ligoy. Ayon sa kanya, hindi nag-aatras ang Pangulo sa pagharap sa isyu, at handa nitong ayusin ang mga ahensya kahit pa maraming masasagasaan.


Ipinakita ng pahayag ni DPWH Secretary Vince Dizon ang malaking tiwala niya sa liderato ni Pangulong Marcos. Bagama’t mainit ang kontrobersya sa flood control scandal, pinaninindigan ni Dizon na ang mabilis na aksyon at matatag na pamumuno ng Pangulo ang nagbigay ng direksyon para maresolba ang problema.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento