Inihayag ni Ombudsman Crispin Remulla na pinag-aaralan na nila ang civil forfeiture bilang posibleng hakbang laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y flood control anomaly. Ayon sa Ombudsman, bagama’t wala silang nakikitang sapat na ebidensya para ipasok sa criminal prosecution ang dating Speaker, maaari pa rin umanong habulin ng gobyerno ang lahat ng posibleng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng forfeiture proceedings.
“Wala kaming sapat na ebidensya para ipakulong ang dating Speaker, pero hindi ibig sabihin nakalusot siya. Kung kinakailangan, kukunin namin lahat ng ari-arian niya sa pamamagitan ng civil forfeiture. Hindi kami hihinto.” -Ombudsman Crispin Remulla
Ibinunyag ni Remulla na tumitingin sila sa rekord at dokumento kaugnay ng flood control projects na tinukoy sa imbestigasyon. Kung mapapatunayan na may gross neglect o kapabayaan sa pamamahala at paggamit ng pondo, maaari raw itong maging basehan ng forfeiture case laban sa dating Speaker even without criminal conviction.
Isa pa sa tinitingnan ng Ombudsman ay ang pagsasampa ng kasong gross criminal neglect, isang administratibo at civil offense na may kasamang penalties at forfeiture. Ayon kay Remulla, may mga dokumentong nagpapakita ng kapabayaan sa pangangasiwa ng malalaking proyekto, isang malaking isyu sa flood control scandal.
Ayon kay Remulla, malinaw na hindi pwedeng matapos ang kaso na walang pananagutan. Kung hindi umano gumalaw ngayon, mas lalo lamang lalalim ang kultura ng korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa pahayag ni Ombudsman Crispin Remulla, malinaw na hindi pa tapos ang laban kontra korapsyon, lalo na sa isyu ng flood control anomaly. Kahit hindi umabot sa criminal conviction ang dating Speaker Martin Romualdez, desidido ang Ombudsman na habulin ang lahat ng posibleng yaman na konektado sa kapabayaan o katiwalian

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento