Advertisement

Responsive Advertisement

"EVEN IN RECRUITMENT THEY CHARGE ₱500,000, MAS KORAP PA ITO SA AMIN" DILG SEC. JONVIC REMULLA KAKASUHAN ANG MGA BFP OFFICIALS, PINAKAKORAP SA LAHAT NG AHENSYA NG GOBYERNO

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Nagpatama at nagbitaw ng mabibigat na akusasyon si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos niyang tahasang ideklarang pinakakorap na ahensiya ng pamahalaan ang Bureau of Fire Protection (BFP).


“They’re worse than the police, believe it or not. BFP is the most corrupt of all, mas koreap pa sa amin. We know who they are. We’re gonna file charges. Even in recruitment they charge ₱500,000. Hindi na ito dapat palampasin.” -DILG Jonvic Remulla


Sa matapang at diretsahan niyang pahayag, sinabi niyang mas malala pa ang katiwalian sa BFP kumpara sa Philippine National Police (PNP), isang akusasyong nagpagulat sa publiko at lalo pang nagliyab ng isyu sa integridad ng ahensya.


Aniya, hindi na bago ang mga reklamo laban sa ilang opisyal ng BFP, ngunit ang lawak at lalim ng kinakasangkutang katiwalian ay “nakakagulat at nakakahiya” at lumalabas na mas laganap pa ito kaysa sa ilang kontrobersiyal na kaso sa kapulisan.


Ayon kay Remulla, matagal nang nagiging “open secret” ang ganitong gawain sa loob ng ilang sangay ng BFP, at panahon na upang tapusin ito. Tiniyak ni Remulla na hindi sila bulag, bingi, o manhid sa mga reklamo. Ayon sa kanya, hawak na nila ang listahan ng mga sangkot mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa matataas na opisyal.


Nagpaulan ng mabibigat na akusasyon si Secretary Jonvic Remulla laban sa BFP, na tinawag niyang “pinakakorap” sa lahat ng ahensya. Ang pagbulgar niya sa umano’y napakalaking kotong sa recruitment at sistematikong anomalya ay nagpapatunay na kailangan ng malalimang reporma at agarang aksyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento