Advertisement

Responsive Advertisement

"NAPAKALINIS NIYA, WALANG BAKAS KAHIT FINGERPRINT" DILG SEC. JONVIC REMULLA AMINADO MAHIHIRAPAN MAIPAKULONG SI DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ

Biyernes, Disyembre 26, 2025

 



Sa gitna ng mainit na kontrobersya sa umano’y flood control anomalies, mismo si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang umamin na nahihirapan silang idiin si dating House Speaker Martin Romualdez dahil wala umanong makitang anumang direktang ebidensya na mag-uugnay sa kanya.


“Kung susuriin ang lahat ng ebidensya, wala talagang bakas ng fingerprint ni Speaker Romualdez. Walang papel, walang pirma, walang direktang koneksyon. Hindi kami maaaring mag-imbento ng ebidensya.” -DILG Sec. Jonvic Remulla


Ayon kay Remulla, bagama’t patuloy ang imbestigasyon at may mga kuwestiyonableng proyekto na lumulutang, wala ni isang dokumento, pirma, trail, o signature decision na magpapatunay na sangkot ang dating Speaker.


Ipinunto rin ni Remulla na sa anumang criminal or administrative case, hindi sapat ang hinala. Kailangan ng matibay na papeles, chain of responsibility, at direct participation at iyon umano ang kulang ngayon.


Inilahad ni Remulla na kahit anong hukay at silip sa mga dokumento ng flood control projects mula 2022 hanggang 2025 hindi nila makita ang anumang papel na may pirma ni Romualdez, anumang endorsement, o dokumentong nagpapakita na siya ang nagdirekta ng questionable allocations.


Sa kabila ng malalakas na bintang mula sa publiko at ilang sektor, malinaw ang pahayag ni Secretary Jonvic Remulla: hindi sapat ang hinala upang idiin ang isang opisyal. Habang patuloy ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control, nanatiling malinis sa dokumento at papel si Martin Romualdez at iyon ang nagiging hadlang sa anumang kaso laban sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento