Naglabas ng matapang pahayag si Senator Alan Peter Cayetano tungkol sa lumalalang usapin ng korapsyon sa pamahalaan. Ayon sa senador, hindi simpleng sablay o pagkukulang ang mga anomalyang lumalabas ngayon kundi isang planadong masterplan na nagsimula pa raw pag-upo ng kasalukuyang administrasyon.
“Isa po itong masterplan na planado talaga mula nang magsimula ang administrasyong Marcos. Ginugulo nila ang imbestigasyon para hindi matukoy kung sino ang mga mastermind. Hindi ko na po papangalanan, pero alam ng taumbayan kung sino ang dalawang tinutukoy ko.” -Senator Alan Peter Cayetano
Hindi man niya tuwirang binanggit ang mga pangalan, malinaw raw sa publiko kung sino ang “dalawang mastermind” na tinutukoy niya.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Cayetano na hindi maaaring isang opisyal lang ang nasa likod ng malakihang katiwalian, lalo na sa flood control, insertions, at iba pang anomalya sa budget.
Hindi na kailangan pang maging cryptic dahil para sa taumbayan, malinaw ang tinutukoy ng senador na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez.
Sa bigat ng pahayag ni Senator Cayetano, isang bagay ang lumilinaw: hindi basta-basta ang nakikita nating anomalya. Kung totoo ang masterplan theory, ibig sabihin may malalim at sistematikong operasyon ng katiwalian na nasa pinakamataas na antas ng pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento