Matapang na pinuna ni Kamanggawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nilikha ng Marcos administration upang imbestigahan ang mga anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno.
“Walang pangil ang ICI. Isa lang itong malaking public stunt para palabasing may aksyon ang administrasyon. Bini-brainwash nila ang taumbayan para protektahan ang mga kaalyado. Sa laki ng magnitude ng korapsyon, bakit hanggang ngayon puro maliliit na isda lang ang nahuhuli?” -Rep. Eli San Fernando
Ayon sa kongresista, ang ICI ay hindi isang tunay na anti-corruption body kundi isang malaking public relations stunt na ginagamit lamang para palabasin sa publiko na may aksyon ang Malacañang.
Direkta niyang iginiit na walang tunay na kapangyarihan ang ICI, at sa halip ay nagiging instrumento para protektahan ang mga kaalyado ng administrasyon.
Ang pahayag ni Rep. Eli San Fernando ay nagpapatindi ng kritisismo laban sa ICI at sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa korapsyon. Para sa kanya, malinaw na palabas lang ang imbestigasyon, isang pampalubag-loob sa publiko habang ang mga tunay na nasa likod ng anomalya ay hindi man lang nababanggit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento