Naglabas ng matindi at diretsahang pagkadismaya ang beteranong broadcast journalist na si Karen Davila laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa kanya, habang patuloy ang pag-iimbestiga sa mga anomalyang pumipiga sa pondo ng bayan, mas lalo lang umanong lumilinaw na hindi iilan ang sangkot kundi halos buong makinarya ng gobyerno.
“Nag-iimbestiga tayo but it seems the whole Marcos administration is involved here. Sindikato ang buong gobyerno korapsyon sa itaas at korapsyon sa ibaba. Kung puwede, buong Marcos administration makulong na.” -Karen Davila
Giit ni Davila, malinaw na hindi lang ito isolated cases o pagkakamali ng iisang ahensya para itong sistemang pinapatakbo ng sindikato. Binanggit pa niya na hindi lang Executive Branch ang tila may bahid ng anomalya na pati raw mga ahensya at maging ang ilang miyembro ng lehislatura ay tila may papel sa malawakang katiwalian.
Isa sa pinakamatapang niyang sinabi na kung ang mga ebidensya ay magpapatunay na sabit ang iba’t ibang opisyal ng administrasyon, dapat lamang na lahat ng sangkot mataas man o mababa ang posisyon ay managot, at kung kinakailangan, makulong.
Ang matapang na pahayag ni Karen Davila ay nagpapakita ng lumalaking pagkadismaya hindi lamang ng mga kritiko, kundi pati ng publiko, sa mga sunod-sunod na alegasyon ng korapsyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento