Advertisement

Responsive Advertisement

“MALI AT BAWAL PAKIALAMAN NG PANGULO ANG BUDGET HEARING” FRANKLIN DRILION UMALMA ₱45B INSERTION NG DWPH GUSTONG PALUSUTIN NI PANGULONG MARCOS

Miyerkules, Disyembre 17, 2025

 



Matapang na umapela si dating Senate President Franklin Drilon matapos umano’y makialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ongoing budget deliberations kaugnay ng ₱45 bilyong nabawas sa DPWH budget. Ayon sa beteranong mambabatas, hindi katanggap-tanggap at labag sa Konstitusyon ang ganitong uri ng pag-impluwensiya ng Pangulo sa proseso ng Kongreso.


“If I recall correctly, he said he favored the restoration of the ₱45 billion cut from the DPWH budget. I have not heard of any President before who intervened in this manner. His intervention is wrong and unconstitutional because it emboldens the House to insist, knowing the President is behind them.” - Franklin Drilon


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Drilon na sa buong panahon niya sa Senado, wala siyang natatandaang Pangulo na diretsong nakisawsaw at kumampi sa isang panig habang nag-uusap pa ang Bicameral Conference Committee tungkol sa budget.


Giit niya, ang budget deliberations ay teritoryo ng Kongreso, hindi ng Malacañang. Kapag nakialam ang Pangulo, aniya, nawawala ang checks and balances at nagmumukhang dikta ng Executive Branch ang magiging final budget.


Ang pahayag ni Franklin Drilon ay hindi simpleng puna, ito ay babala sa posibleng pagguho ng demokratikong balanse kung ang Executive Branch ay makikialam sa trabaho ng lehislatura.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento