Nagising ang publiko sa matapang at kontrobersyal na pahayag ng komedyante Bayani Agbayani, matapos itong maglabas ng kritisismo na tila diretsong tumutukoy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang pamilya. Sa isang matapang na banat, sinabi ni Bayani:
“Kayo na noon, pati naman hanggang ngayon. Wala kayong kabusogan. Hanggang ngayon nagnanakaw pa rin kayo. At kung mapapansin ninyo, iisa lang ang apelyido lolo niyo, tatay niyo, kapatid niyo, pinsan niyo. Kayo-kayo ang nagnanakaw mula noon hanggang ngayon.” Bayani Agbayani
Umalingawngaw ang kanyang mensahe online, lalo na nang idagdag pa niyang tila iisang apelyido ang paulit-ulit na lumilitaw kapag napag-uusapan ang isyu ng katiwalian.
Hindi nagpaligoy-ligoy ang komedyante. Sa kanyang pahayag, malinaw niyang ipinahiwatig ang pagkadismaya sa paulit-ulit na pangalan ng mga nasa kapangyarihan. Giit niya, tila wala umanong pagbabago kahit lumipas ang ilang dekada pareho pa rin daw ang pamilya, pareho pa rin ang isyu, at pareho pa rin ang paratang.
Ang pahayag ni Bayani Agbayani ay hindi simpleng biro, ito ay direktang akusasyon na naglalayong hamunin ang kasalukuyang klima ng pulitika at pamumuno. Sa katapangan niyang magsalita, muli niyang binuksan ang pinto ng talakayan tungkol sa tunay na pagbabago, responsibilidad, at pamamahalang may pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento