Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKA SIYA ANG SUSI NG LAHAT NG ITO, NAKAKAHIYA KUNG MAY MANGYARI SA KANYA" OMBUDSMAN REMULLA TODO HIGPIT ANG PROTEKSYON KAY SARAH DISCAYA

Martes, Disyembre 16, 2025

 



Iginiit ni Ombudsman Crispin Remulla na magkakaroon ng 24/7 na proteksiyon si Sarah Discaya, isa sa mga itinuturong personalidad sa kontrobersyal na flood control scandal. Ayon kay Remulla, posibleng si Discaya ang susing testigo na makapaglalantad kung sino ang tunay na mastermind sa malakihang anomalya sa proyekto.


“Baka siya ang susi para malaman kung sino ang tunay na mastermind. Nakakahiya kung may mangyari sa kanya. Kaya dapat 24/7 ang proteksiyon natin sa kanya.” - Ombudsman Crispin Remulla


Diretsong sinabi ni Ombudsman Remulla na hindi lamang proteksiyon ng isang akusado ang nakataya kung hindi integridad ng buong imbestigasyon. Kung may masama umanong mangyari kay Discaya, hindi lang ito magiging malaking dagok sa kaso, kundi malaking kahihiyan na rin sa pamahalaan.


Giit niya, responsibilidad ng estado na siguraduhing ligtas ang mga taong maaaring magbigay-linaw sa katotohanan, lalo na sa kaso na umano’y may malalaking pangalan na maaaring madawit.


Malinaw ang posisyon ng Ombudsman: ang laban kontra korapsyon ay hindi magiging matagumpay kung hindi ligtas ang mga taong maaaring magsiwalat ng katotohanan. Ang pagiging “key witness” ni Sarah Discaya ay naglalagay sa kanya sa panganib, at tungkulin ng estado na tiyakin ang kaniyang seguridad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento