Pumalag si Sen. Jinggoy Estrada sa pahayag ni Sen. Erwin Tulfo na minamadali umano ang pagbabago sa rules ng Senado dahil may ilang majority senators na maaaring makulong.
“Offensive ang pahayag na iyan. Sigurado ba siya na may maaarestong senador? May contact ba siya sa korte? Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang ganoong konklusyon. Kung may basehan siya, sabihin niya. Pero kung wala, huwag niyang gawing haka-haka ang reputasyon ng kapwa senador.”
Para kay Estrada, mabigat at hindi dapat basta binibitawan ang ganitong klaseng pahayag. Tinawag niya itong “offensive” dahil tila nagpapahiwatig umano si Tulfo na sigurado na itong may maaarestong senador.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento