Muling idinawit ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Malacañang sa patuloy na gulo sa liderato ng Senado. Para kay Cayetano, hindi lang ito simpleng banggaan ng mga senador o agawan sa posisyon. Sa kanyang pananaw, may mas malaking puwersang nagtutulak sa likod ng krisis.
“May dalawang Senado ngayon: ang Senate of the Philippines at ang Senate of Malacañang. Ang tunay na Senado ay dapat nakatayo sa Konstitusyon, sa sariling rules, at sa mandato ng taumbayan, hindi sa kagustuhan o pagkilala ng Palasyo.”
Diretso ang kanyang banat: may dalawang Senado umano sa Pilipinas: ang “Senate of the Philippines” at ang “Senate of Malacañang.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento