Tahasang inalala ni Sen. Robin Padilla ang matagal na umano niyang pagkakaibigan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng paglilinaw na ang kaniyang mga batikos sa administrasyon ay hindi basta dahil siya ay maka-Duterte o kabilang sa oposisyon.
Sa isang event sa Baliwag, Bulacan, sinabi ni Padilla na magkaibigan sila ni Marcos noong kabataan pa nila. Ayon sa senador, kabilang siya sa mga nakasama ni Marcos noong kababalik pa lamang nito mula sa United States at nasa panahon pa na matindi ang pagtanggi ng publiko sa pamilya Marcos.
“Kaibigan ko rin po si Bongbong Marcos. Noong kami ay mga binata pa, barkada ko po ’yan. Noong panahong isinusuka sila, nandoon ako. Ngayon lang medyo gumulo, parang hindi na niya ako kilala. Pero hindi po totoo na bumabanat ako dahil maka-Duterte ako o oposisyon. May sarili po akong paninindigan.”
Ani Padilla, “Gusto ko pong malaman ninyo na kaibigan ko rin po si Bongbong Marcos. Noong kami po ay mga binata pa, barkada ko po ’yan. Magkaibigan po kami niyan.”
Ang pahayag ni Sen. Robin Padilla ay hindi simpleng reminiscing tungkol sa dating barkada. Isa itong matinding paalala na sa pulitika, kahit personal na pagkakaibigan ay maaaring mabasag kapag nagbanggaan ang prinsipyo at kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento