Diretsahang iginiit ni Atty. Harold Respicio na mali si Sen. Win Gatchalian sa paninindigang valid ang quorum ng 12 senador na ginamit sa kontrobersiyal na reorganization ng Senado.
Para kay Respicio, illegal, flawed, at fallacious umano ang naging batayan ng 12-senator quorum. Dahil dito, kinuwestiyon din niya ang bisa ng pagtatalaga kay Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
Ang pangunahing punto ni Respicio: hindi maaaring basta bawasan ang bilang ng Senado para lang mapalabas na sapat ang 12. Kung hindi bakante ang puwesto nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Jinggoy Estrada, dapat pa rin silang isama sa bilang ng buong Senado.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento