Inakusahan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Malacañang at mga kaalyado nito ng umano’y panggugulo na nagresulta sa deadlock sa liderato ng Senado. Para kay Cayetano, hindi ordinaryong bangayan ng mga senador ang nangyari, kundi isang seryosong pagtatangka umano na baguhin ang liderato sa paraan na hindi naaayon sa Konstitusyon.
Iniugnay ni Cayetano ang 11 senador na kaalyado ni Sen. Win Gatchalian sa Malacañang at sinabing madalas umano silang nagpupulong doon. Dumating ito matapos bumoto ang naturang grupo upang ideklarang bakante ang mga posisyon sa Senado at kilalanin si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento