Nagbabala si Sen. Erwin Tulfo na maaaring maharap sa contempt charges ang mga tinaguriang “Maleta Boys” kapag hindi sila dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Ang grupo ay inuugnay sa mga pahayag tungkol sa umano’y pagdadala ng mga maletang may pera sa ilang personalidad sa politika, isang alegasyong mariing pinabulaanan ng ilang mambabatas.
Ani Tulfo: “We invite them. As a matter of fact, I’m warning them. I’m compelling them to attend.”
Diretso ang mensahe ni Tulfo: hindi sapat na inimbitahan lang sila. Para sa kanya, kung may sinabi silang mabigat na alegasyon sa publiko, dapat nilang harapin ang Senado at panindigan ang kanilang mga pahayag sa ilalim ng opisyal na pagdinig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento