Naglabas ng matinding pagkadismaya si Flavie Villanueva laban sa mga taong tinatawanan at minamaliit ang EJK Museum. Ayon sa pari, masakit makita na ang isang lugar na itinayo para alalahanin ang mga biktima ng extrajudicial killings ay ginagawang biro sa social media. Dagdag pa ni Father bawat isa sa mga biktima ay may potential na susunod na santo.
Para kay Fr. Villanueva, ang pagtatawa sa museo ay hindi lamang kawalan ng respeto sa proyekto, kundi direktang pag-insulto sa alaala ng mga nasawi at sa kanilang mga pamilya.
Ibinahagi ng pari na ilang taon nilang pinaghandaan at pinagsikapan ang pagtatayo ng EJK Museum. Hindi ito basta ideya na bigla na lamang isinakatuparan. Dumaan ito sa mahabang proseso ng konsultasyon, dokumentasyon, at pakikipagtulungan sa mga pamilya ng biktima.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento