Advertisement

Responsive Advertisement

"I WANT THE OPPOSITION TO HAVE A WINNABLE CANDIDATE" SEN. RISA HONTIVEROS KUMPYANSANG MANANALO KUNG TATAKBO PAGKA-PRESIDENTE SA 2028

Martes, Pebrero 3, 2026

 



Unti-unti nang pinaplantsa ni Risa Hontiveros ang posibilidad ng kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028. Bagama’t wala pang pormal na anunsyo, malinaw sa kanyang mga pahayag na seryoso ang paghahanda at kumpyansa siyang mananalo pagka-presidente sa 2028, ito'y hindi lamang para sa sarili, kundi para sa lahat


Ayon kay Hontiveros, ang pangunahing layunin ay magkaroon ng “winnable candidate”, isang lider na may kakayahang talunin ang makinarya ng administrasyon at maipatupad ang mga programang tunay na makikinabang ang mamamayan.


Binigyang-diin ni Hontiveros na ang paghahanda ay hindi lamang nakatuon sa politika, kundi sa kongkretong programa ng pamahalaan mula sa karapatang pantao, kabuhayan, edukasyon, hanggang sa kalusugan. Layunin ng oposisyon na mag-alok ng pinakamainam na plataporma na tunay na tutugon sa pangangailangan ng ordinaryong Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento