Mariing pinabulaanan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang ilang alegasyon laban sa kanya, kabilang ang paratang na tumanggap umano siya ng maletang may lamang pera kapalit ng kanyang pagdalo sa Senate plenary session noong Hunyo 3.
“Walang maleta, walang pera, at walang utos mula sa Palasyo. Ang pagdalo ko sa plenaryo noong June 3 ay hindi para sa sarili ko, hindi para sa isang grupo, kundi para sa Senado bilang institusyon. Kung may alegasyon, ilabas ang ebidensya. Hindi puwedeng puro paratang lang.”
Sa kanyang podcast, tinanggihan ni Escudero ang naturang alegasyon at nilinaw din na walang kinalaman ang MalacaƱang sa kanyang naging desisyon na magpakita sa plenaryo. Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa mga pinabulaanan ni Escudero ang isyu ng umano’y maletang may pera at ang spekulasyong may impluwensiya ang Palasyo sa kanyang pagdalo sa sesyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento