Advertisement

Responsive Advertisement

"GALIT NA GALIT TAYO SA CHINA, HABANG SINASAMBA NATIN ANG ICC" SEN. ROBIN PADILLA IGINIIT SELECTIVE ANG 'SOBERANYA' SA ILALIM NG MARCOS ADMINISTRATION

Linggo, Pebrero 8, 2026

 



Muling naglatag ng matapang na pananaw si Sen. Robin Padilla laban sa Marcos administration kaugnay selective nitong 'soberanya'. Ayon sa senador, may pagkakasalungat umano ang paninindigan ng pamahalaan matapang kapag China ang kaharap, ngunit bukas sa International Criminal Court (ICC) kapag usapin na ang kapwa Pilipino at ang dating pangulong Duterte.


Binanggit ni Sen. Padilla na kapag usaping panlabas lalo na sa tensyon sa China, malinaw ang tindig ng pamahalaan: hindi magpapa-api at ipagtatanggol ang dignidad ng bansa. Para sa kanya, ito ay tama at nararapat sa isang soberanong estado.


Ngunit sa usapin ng ICC, iginiit ni Sen. Padilla na tila iba ang timbangan. Sa kabila ng pagkakaroon ng sariling Korte Suprema at sistemang panghukuman, bakit umano mas pinapaboran ang pagpasok ng isang pandaigdigang hukuman? Para sa senador, nagiging tanong ito ng prinsipyo. 

1 komento:

  1. Hindi “selective anger” ang galit sa China makatarungang galit ’yan dahil may inaagaw silang teritoryo, may binubully silang Pilipino, at may lantaran silang paglapastangan sa West Philippine Sea.
    Ang ICC ay hukuman, hindi mananakop. Wala silang barko, wala silang water cannon, wala silang inaagaw na isla.
    Ang tunay na selective ay ang paggamit ng salitang soberanya para ipagtanggol ang iilan, habang binabalewala ang aktwal na pambabastos ng dayuhan sa buong bansa.
    Huwag lokohin ang taumbayan iba ang pagtatanggol sa bayan, iba ang pagtatakip sa pananagutan.

    TumugonBurahin