Tahasan ang naging pahayag ni Ombudsman Crispin Remulla kaugnay ng naging desisyon ng Supreme Court sa pagbasura ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte. Ayon sa Ombudsman, hindi raw dapat ituring na walang pagkakamali ang mga mahistrado ng korte dahil tao rin sila na maaaring magkamali sa kanilang mga desisyon.
Giit ni Remulla, bagama’t iginagalang niya ang institusyon ng Korte Suprema, hindi ibig sabihin nito ay hindi na maaaring punahin ang kanilang mga naging pasya. Para sa kanya, ang pagkilala na may limitasyon at posibilidad ng pagkukulang ay bahagi ng isang malusog na demokrasya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento