Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI LANG ULAN ANG PROBLEMA. BASURA RIN" EXEC SEC. RECTO BAHAGI NG BUWIS, POSIBLENG ILAAN SA SOLID WASTE MANAGEMENT

Lunes, Agosto 24, 2026

 



Pinag-aaralan ng gobyerno na maglaan ng bahagi ng buwis para sa local government units upang palakasin ang solid waste management at maiwasan ang matinding pagbaha.


Ito ang inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto matapos ang pulong sa MalacaƱang kaugnay ng walang habas na ilegal na pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, kalsada, at ilog.


“Kapag ginawang basurahan ang kanal at mga kalye, nagiging daanan ng basura ang mga ilog kapag bumuhos ang malakas na ulan. Kaya kailangang palakasin ang solid waste management, suportahan ang LGUs, at itulak ang disiplina sa bawat barangay.”


Ayon kay Recto, kailangan palakasin ang pangongolekta ng basura, paglilinis, at maayos na waste management system sa mga LGU.


Hindi sapat ang cleanup drive tuwing may baha na. Hindi sapat ang picture-taking habang may clearing operation. Ang kailangan ay regular, seryoso, at may pondong sistema.


Ipinapatupad na rin ang Cleanest Barangay Program upang kilalanin at bigyan ng pabuya ang mga barangay na may pinakamalinis at maayos na sistema sa pagtatapon ng basura.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento