Nilinaw ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi otorisado ng kanyang opisina, ni Sen. Pia Cayetano, o ni Sen. Rodante Marcoleta ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes, Hunyo 8, 2026, kung saan inimbitahan ang tinatawag na “Brave 18.”
“No person summoned to testify should face threat or intimidation, whatever the Committee’s eventual findings may be,” giit ni Cayetano.
Diretsahan ang punto ni Cayetano: hindi puwedeng basta magkaroon ng pagtitipon at tawagin itong opisyal na pagdinig kung hindi ito dumaan sa tamang proseso ng Senado. Kapag ang isang hearing ay may kinalaman sa seryosong alegasyon, testigo, at posibleng pananagutan ng mga opisyal, mas lalong kailangang malinis ang proseso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento