Hindi itinago ni Sen. Erwin Tulfo ang kanyang pagkadismaya matapos hindi dumalo sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee ang 18 indibiduwal na nagpakilalang dating bag men o dating bodyguards ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.
Ani Tulfo: “Sa kabila ng ating imbitasyon sa kanila na dumalo sa pagdinig, mas gusto nilang magtungo sa opisina ni Sen. Robin Padilla at doon mag-monitor at mag-live din… at magpa-presscon.”
Diretsahan ang naging pahayag ni Tulfo sa nangyari. Ayon sa kanya, sa kabila ng imbitasyon ng Blue Ribbon Committee, pinili ng grupo na pumunta sa opisina ni Padilla, doon mag-monitor, mag-live, at magpa-press conference.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento