Nanindigan si Sen. Alan Peter Cayetano na 13 boto ang kailangan para maihalal at mapatalsik ang Senate President, Senate President Pro Tempore, at Senate Secretary o Secretary General ng Senado.
“Kung 13 ang naghalal, 13 rin ang matatanggal. Hindi puwedeng ibaba ang bilang para lang palabasing valid ang isang reorganization. Ang Senate President, Senate President Pro Tempore, at Senate Secretary ay hindi dapat palitan sa prosesong kulang sa boto at kuwestiyonable sa ilalim ng Konstitusyon.”
Ito ang kanyang malinaw na sagot sa patuloy na banggaan sa liderato ng Senado matapos kilalanin ng Gatchalian-bloc si Sen. Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President. Para kay Cayetano, hindi sapat ang 12 senador para baguhin ang mataas na liderato ng kapulungan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento