Humingi ng paumanhin si Sen. Erwin Tulfo sa mga senador ng Cayetano-bloc matapos ang kanyang matinding pahayag na ipapaaresto umano niya ang mga ito kapag nagsagawa muli ng tinawag niyang “unauthorized” o “fake” Blue Ribbon Committee hearing. Ayon sa ulat, ginawa ni Tulfo ang paghingi ng paumanhin nitong Linggo matapos umani ng puna ang kanyang naging banta laban sa kampo nina Sen. Alan Peter Cayetano.
“Bilang pagkilala sa mataas na institusyong aking kinabibilangan, lubos akong humihingi ng paumanhin sa aking mga kasamahan sa aking naging marahas na pahayag ukol sa pagpapaaresto, pagkwelyo, at pagbibitbit kay Sen. Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session hall. Hindi po ito ang dapat na asal ng isang opisyal, lalo na ng isang senador.”
Sa kanyang pahayag, inamin ni Tulfo na naging marahas ang kanyang mga sinabi tungkol sa pagpapaaresto, pagkwelyo, at pagbibitbit kay Cayetano at sa ilang indibidwal palabas ng session hall. Para kay Tulfo, hindi iyon ang tamang asal ng isang opisyal, lalo na ng isang senador.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento