Naging magaan ngunit kapansin-pansin ang sagot ni Acting Senate President Sherwin “Win” Gatchalian matapos siyang matanong tungkol sa viral na tambalan nila ni Sen. Risa Hontiveros na tinawag ng ilang netizens na “WinRi.”
“Well, nakakakilig, at para sa akin, malaking karangalan. Si Sen. Risa ay isa sa pinaka-hardworking, napakasipag, matapang, magaling na senador natin at very serious sa trabaho. It’s an honor to be associated with her.”
Sa halip na umiwas, diretsahan niyang inamin na nakakakilig ito para sa kanya at itinuturing niyang malaking karangalan na maiugnay kay Hontiveros. Ayon sa mga ulat, sinabi ni Gatchalian na si Hontiveros ay isa sa pinakamasipag, matapang, magaling, at seryosong senador sa trabaho.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento