Advertisement

Responsive Advertisement

"BUHAY PA NAMAN SIGURO AKO" SEN. CAYETANO UMALMA SA PAGHALAL KAY SEN. WIN GATCHALIAN BILANG SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE

Miyerkules, Hunyo 3, 2026

 


Umalma si Senate President Alan Peter Cayetano sa ginawang hakbang ng minority bloc na itulak ang reorganisasyon sa Senado at mahalal si Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore.

Nahalal si Gatchalian noong Hunyo 3 matapos makabuo ng quorum ang minority bloc nang dumating si Senador Francis “Chiz” Escudero, isang miyembro ng majority bloc. Dahil dito, nagkaroon ng sapat na bilang para maipagpatuloy ang session kahit patuloy ang boycott ng mga kaalyado ni Cayetano.

Sa pagpapatuloy ng session, naghain si Senate Minority Leader Tito Sotto III ng mosyon para ideklarang bakante ang lahat ng leadership positions. Matapos nito, nahalal si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, kapalit ni Senadora Loren Legarda sa ikalawang pinakamataas na puwesto sa Senado.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento