Nagpatawa si Senador Lito Lapid kasama ang kaniynag kapartido sa minority bloc, matapos niyang biruin ang posibilidad na siya ang maging presiding officer ng sesyon sa Senado. Sa kanyang biro, sinabi niyang kapag siya na ang pumukpok ng gavel, walang magsasalita dahil siya raw ang “Committee on Silence.”
Sinabi ni Lapid: “Kapag ako pumukpok, walang magsasalita. Committee on Silence ako.” Ang biro ay lumabas sa gitna ng tensyon at ingay sa Senado, kung saan sunod-sunod ang bangayan, walkout, privilege speeches, at personal na banatan ng ilang senador.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento