Umani ng puna si Sen. Erwin Tulfo matapos niyang suspindihin ang Blue Ribbon Committee meeting kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects bilang paggalang sa mga biktima ng malakas na lindol sa Mindanao, pero sa parehong araw ay nagtungo rin siya sa Pasay Regional Trial Court para sampahan ng kaso ang ilan sa 18 indibidwal na nagdawit sa kaniya sa kontrobersiya.
Ayon sa GMA News, sinuspinde ni Tulfo ang consultative meeting matapos ang magnitude 7.8 earthquake na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, 2026, at sinabi niyang nakikiramay siya sa mga biktima ng lindol.
Pero dito nagsimula ang tanong ng publiko: kung ang dahilan ng suspension ay pakikiisa sa mga nasalanta, bakit hindi agarang disaster response ang naging unang imahe ng aksyon? Bakit sa korte unang nakita ang senador para magsampa ng kaso laban sa mga nag-aakusa sa kaniya?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento