Ayon sa abogado ni contractor Pacifico “Curlee” Discaya, handa umano ang kanyang kliyente na pangalanan ang mahigit 150 personalidad na sangkot daw sa flood control projects scandal. Mabigat ang pahayag na ito dahil hindi na lang ilang opisyal ang pinag-uusapan. Kung totoo ang bilang, posibleng malawak ang network ng mga taong nakinabang, nakialam, o naging bahagi ng umano’y anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.
“Handa si Curlee Discaya na pangalanan ang mahigit 150 personalidad na umano’y sangkot sa flood control projects scandal. Pero ang mahalaga, mailabas ito sa tamang proseso upang malaman kung sino ang tunay na nakinabang, sino ang nag-utos, at sino ang dapat managot.”
Sinabi ng kampo ni Discaya na maaari niyang pangalanan ang higit 150 government officials, kabilang umano ang ilang miyembro ng Kongreso, na sinasabing tumanggap ng kickbacks mula sa flood control projects.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento