Personal na ininspeksiyon ngayong umaga ni DPWH Secretary Vince Dizon ang repair works sa Bucana Bridge sa Davao City, isang araw matapos ang malakas na lindol na tumama sa Mindanao.
“Agad nating ininspeksiyon ang Bucana Bridge upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko matapos ang malakas na lindol. Sa ngayon, minor damage lamang sa approach ng tulay ang nakita, tulad ng guard rails at ilang bahagi ng semento, at sinimulan na natin ang repair works. Hindi natin pababayaan ang anumang pinsala, gaano man kaliit, dahil kaligtasan ng mamamayan ang una nating responsibilidad.”
Ayon sa kalihim, limitado lamang sa minor damage sa approach ng tulay ang nakita ng kanilang ahensiya. Kabilang dito ang nasirang guard rails at ilang bahagi ng semento na naapektuhan ng pagyanig. Agad naman umanong sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni upang hindi lumala ang pinsala at upang mapanatiling ligtas ang daanan para sa publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento