Iginiit ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na hindi mandato ng militar ang makialam sa pulitika, lalo na sa gitna ng maiinit na isyu sa bansa tulad ng korapsyon, flood control anomalies, at mga inaasahang kilos-protesta.
“Hindi mandato ng militar ang makialam sa pulitika. May umiiral tayong demokratikong proseso, at iyon ang dapat sundin sa mga isyu ng bansa, kabilang ang korapsyon. Minomonitor natin ang anumang banta ng panggugulo, pero mananatili ang AFP sa tungkulin nitong protektahan ang mamamayan, igalang ang Konstitusyon, at hindi maging kasangkapan ng anumang political faction.”
Para kay Brawner, may umiiral na demokratikong proseso sa bansa. Kung may alegasyon ng katiwalian, dapat dumaan ito sa imbestigasyon, ebidensya, korte, Kongreso, at tamang institusyon. Hindi dapat idaan sa panawagan na kumilos ang militar laban sa sibilyang pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento