Diretsahan ang naging sagot ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng tensyon sa pagitan nina Senate President Alan Peter Cayetano at DILG Secretary Jonvic Remulla.
Kinuwestiyon ni Marcoleta kung bakit hindi umano nagpakita ng protesta ang minority bloc matapos umanong masigawan si Cayetano ni Remulla sa gitna ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada sa Senado. Sinabi ni Marcoleta na dapat igalang ang Senate President at hindi dapat basta pabayaan ng kapwa senador ang ganitong trato.
“So, kasalanan pa ng minority bloc na hindi nag-protesta dahil sinigawan ang Senate President natin? Actually, laking pasasalamat nga namin na hindi siya binigwasan ni Sec. Jonvic dahil sa inasal niya kahapon. Damn your damdamin.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento