Humirit ng deferment o palugit ang kampo ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan kaugnay ng kanyang graft case na may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Dahil sa mga nakabinbing mosyon, kabilang ang omnibus motion to quash at hiling na reinvestigation, ipinagpaliban ng Sandiganbayan Second Division ang kanyang arraignment. Sa madaling salita, hindi muna natuloy ang pormal na pagbasa ng sakdal habang hinihintay ang aksyon ng korte sa mga legal remedy na inihain ng kanyang kampo.
naghain si Estrada ng omnibus motion sa Sandiganbayan upang kuwestiyunin ang validity at factual basis ng mga kasong isinampa laban sa kanya. Kasama rin sa kanilang hiling ang consolidation ng mga kaso, deferment ng warrant, pagbasura sa information, at reinvestigation o completion ng preliminary investigation
Diretsong sabihin: normal sa korte ang motion to quash. Karapatan ito ng akusado para kuwestiyunin kung tama ba ang impormasyon ng kaso, sapat ba ang paratang, at dumaan ba sa tamang proseso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento