Ibinunyag ni Sen. Alan Peter Cayetano na inalok umano siya ng kabilang kampo na bumaba sa kanyang puwesto bilang Senate President kapalit ng pananatili niya bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cayetano: “By the way, they offered it to me na bababa ako sa pagiging Senate President at ako ang magpe-preside sa impeachment trial, pero tinanggihan ko.”
Mabigat ang pahayag na ito dahil hindi lang ito simpleng alok ng posisyon. Sa gitna ng krisis sa liderato ng Senado, lumalabas sa rebelasyon ni Cayetano na may umano’y pagtatangkang paghiwalayin ang kapangyarihan ng pagiging Senate President at ang papel ng presiding officer sa impeachment court.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento