Advertisement

Responsive Advertisement

“IT HAS BEEN A PRIVILEGE” NICHOLAS KAUFMAN TULUYAN NG UMATRAS BILANG LEAD COUNSEL NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA ICC

Sabado, Mayo 9, 2026

 



Tuluyan nang umatras si international lawyer Nicholas Kaufman bilang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC).


Sa kanyang opisyal na pahayag, kinumpirma ni Kaufman na nagsumite na siya ng kahilingan upang mag-withdraw bilang pangunahing abogado ni Duterte sa ICC proceedings. Gayunpaman, tiniyak niyang maiiwan umano sa “mabubuting kamay” ang dating Pangulo kahit siya ay bumaba na sa posisyon.


Hindi itinago ni Kaufman ang kanyang pasasalamat at respeto kay Duterte habang nagpapaalam sa defense team. Dagdag pa niya, naniniwala siyang maayos pa ring maipagpapatuloy ang legal defense ng dating Pangulo kahit wala na siya bilang lead counsel.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento