Sinagot ng MalacaƱang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na maaaring magpadala ng aircraft ang pamahalaan upang agad na maiuwi ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng patuloy na sigalot sa Middle East.
Nauna nang sinabi ng Bise Presidente na maaaring i-charter ng gobyerno ang isang flight upang maisagawa ang repatriation, at binanggit niya ang kanyang karanasan bilang alkalde ng Davao City noong panahon ng COVID-19 pandemic kung saan nakapagpatupad siya ng mga hakbang para sa pag-uwi at pagtulong sa mga residente.
Ayon sa MalacaƱang, hindi ganoon kadali ang sitwasyon sa Middle East kumpara sa mga lokal na operasyon noong pandemya. Ipinaliwanag na ang pagpapalikas mula sa isang conflict zone ay nangangailangan ng masusing koordinasyon sa mga dayuhang pamahalaan, clearance sa airspace, at pagsasaalang-alang sa seguridad ng mga pasahero at crew.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento