Inamin ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na malaking hamon ngayon ang maibalik ang tiwala at kredibilidad ng Senado matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya sa mataas na kapulungan.
Sinabi nina Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Ping Lacson na nakikita nila si Gatchalian bilang posibleng lider na maaaring pagkaisahan ng mas maraming senador upang muling pag-isahin ang Senado. Binanggit din sa ulat na aminado si Gatchalian na malaking dagok sa imahe ng Senado ang mga kaguluhang nangyari nitong nakaraang linggo.
“Napakalaking hamon para sa amin na maibalik ang imahe ng Senado at tiwala ng taumbayan. Ang nakikita ngayon ng publiko ay drama, memes, at katatawang video. Kaya ang unang dapat gawin ay ayusin ang dignidad ng Senado at ipakita na kaya pa naming magtrabaho nang maayos para sa bayan.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento