Tila hindi ikinatutuwa ni Senate President Alan Peter Cayetano ang lumalakas na bulong-bulungan na plantsado na umano ang plano ng minority bloc na palitan siya bilang lider ng Senado.
Ang pangalan na itinutulak bilang kapalit: si Senador Sherwin “Win” Gatchalian.
Ayon sa pahayag ni Senador Kiko Pangilinan, nais ng SB-11 o Solid Bloc 11 na si Gatchalian ang maging Senate President dahil napatunayan umano nito, lalo na sa deliberasyon ng 2026 national budget, na kaya niyang protektahan ang pera ng bayan.
“Kung may gustong palitan ako, sabihin nila nang diretso at ilatag nila ang boto. Hindi puwedeng puro bulong, puro plano, at puro intriga habang ang Senado ay kailangang magtrabaho. Kung tunay na para sa bayan ang hangad nila, dapat ipakita nila na serbisyo ang dahilan, hindi ambisyon.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento