Hindi pinalampas ng aktres na si Agot Isidro ang pagpapalit ng liderato sa Senado matapos mahalal si Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President kapalit ni Vicente “Tito” Sotto III.
Sa kanyang social media post, hayagang ipinakita ni Agot ang matinding pagkadismaya sa mga senador na bumoto para sa leadership change. Ayon sa ulat ng PEP.ph, tinawag ni Agot na “13 Satanas sa Senado” ang mga senador na sumuporta sa pag-upo ni Cayetano bilang Senate President.
Diretsahan ang naging pahayag ni Agot laban sa mga senador na nasa likod ng pagbabago ng liderato.
“Wala akong respeto sa kanila.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento