Prangkang nagsalita si TV host Mariel Rodriguez kaugnay ng pulitikal na plano at serbisyo publiko ng kanyang asawang si Senador Robin Padilla. Sa gitna ng sunod-sunod na batikos laban kay Robin, iginiit ni Mariel na mabait ang kanyang asawa at naniniwala siyang ginagawa lamang nito ang sa tingin niya ay makabubuti para sa bansa.
Mabigat ang naging pahayag ni Mariel dahil hindi lang niya ipinagtanggol si Robin bilang asawa, kundi bilang isang taong naniniwala siyang nagseserbisyo sa bayan.
“Mabait ang asawa ko at ginagawa lang niya kung ano ang nakakabuti sa bansa. Kung ang kapalit ng kanyang serbisyo sa bayan ay puno ng panlait, then you don’t deserve him.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento