Mariing itinanggi ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga paratang na “ghost project” ang isa sa mga proyektong na-inspeksyon niya sa Ilocos Norte, na kilala bilang isa sa mga balwarte ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Dizon, malinaw na umiiral at may aktwal na implementasyon ang naturang proyekto. Aniya, hindi ito maituturing na ghost project dahil may pisikal na istrukturang makikita at may dokumentasyon ng pagpapatupad. Ang naging problema lamang umano ay ang pagkaantala ng konstruksyon dahil sa kakulangan ng pondo sa mga nakaraang taon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento