Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sistema ng pamimigay ng mga pagkaing malapit nang mag-expire sa mga mahihirap. Ayon sa Pangulo, sa halip na masayang ang mga produktong ito, mas mainam na maipamahagi agad upang makatulong sa mga nangangailangan.
Ipinaliwanag niya na bahagi ito ng mas praktikal na sistema ng pamahalaan. “Yung mga mag-e-expire na pagkain at foodpack ipinamimigay natin dahil mag-e-expire na. So ganon ang sistema ang ginagawa natin kaya maganda ang ginawa natin para matulungan natin ang mga naghihirap,” ani Marcos.
Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain habang napakikinabangan ito ng mga pamilyang kapos sa buhay. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng agarang tulong at hindi nasasayang ang pondo ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento