Advertisement

Responsive Advertisement

"WHEN EMOTIONS ARE HIGH, THE INTELLIGENCE IS LOW" USEC. CLAIRE CASTRO KINUWESTIYON ANG KAKAYAHAN NI VP SARA MAGPATAKBO NG BANSA

Linggo, Marso 22, 2026

 



Pinatsudahan ni Communications Usec. Claire Castro ang abilidad ni Vice President Sara Duterte na magpatakbo ng bansa, kasunod ng mga naging pahayag at sagot ng Bise Presidente sa ilang isyu. Ayon kay Castro, napansin umano ng publiko ang pagiging emosyonal ng tugon ni Duterte sa ilang pagkakataon.


“Nakita po natin kung papaano sumagot ang Bise Presidente napaka-emosyonal. May kasabihan po tayo, when emotions are high, the intelligence is low,” ani Castro sa isang panayam.


Para kay Castro, mahalagang mapanatili ng isang lider ang kalmadong disposisyon lalo na sa harap ng kritisismo at mahahalagang desisyon. Aniya, ang pamumuno ay nangangailangan ng malinaw na pag-iisip at balanseng pagdedesisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento