Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KAYO MAGUGUTOM SA PANAHON KO” PANGULONG MARCOS TINIYAK ANG SAPAT NA SUPLAY NG PAGKAIN PARA SA MGA PILIPINO

Linggo, Marso 22, 2026

 



Sa gitna ng lumalalang sigalot sa Middle East, tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi magugutom ang mga Pilipino. Sa kanyang pahayag, mariin niyang sinabi, “Hindi ko kayo gugutomin,” bilang mensahe ng katiyakan sa publiko.


Ayon sa Pangulo, may sapat na suplay ng pagkain ang bansa at patuloy ang pagbabantay ng pamahalaan sa mga posibleng epekto ng pandaigdigang tensyon sa ekonomiya at suplay ng mga pangunahing bilihin.


Ipinaliwanag ng administrasyon na kahit may kaguluhan sa ibang bahagi ng mundo, hindi agad nangangahulugan na magkakaroon ng kakulangan sa pagkain sa Pilipinas. Binabantayan umano ang importasyon, produksyon, at distribusyon ng mga pangunahing produkto upang masigurong tuloy-tuloy ang suplay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento