Iginiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco na maaaring papanagutin ang mga umano’y sangkot na kongresista sa isyu ng budget insertions at flood control scandal sakaling maupo si Vice President Sara Duterte bilang Pangulo sa 2028.
Ayon kay Tiangco, malinaw umano na may mga mambabatas na nangangamba sa posibilidad na ito, lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa napapanagot ang mga sinasabing nasasangkot sa kontrobersiya.
Sinabi ng kongresista na may pangamba ang ilan dahil sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na pananagutan sa mga alegasyon ng insertions at umano’y pagbebenta ng mga proyekto. Para sa kanya, kung may bagong administrasyon na seryosong mag-iimbestiga, posibleng mabuksan muli ang mga kasong ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento